Ala-ala Ni Ama

AMADO SANTOS EUSEBIO (Sept. 13, 1940 - Jan. 09, 2005)
"Did you ever know that you’re my hero… you’re everything i wish i would be… i can fly higher than an eagle, co’z you are the wind beneath my wings…"
Aking naaalala nung ako ay bata pa
Kalong mo sa iyung balikat
Ang mahal mong prinsesa
Kahit pagod at puyat ay hindi iniinda
Mapagbigyan lamang ako ni ama.
Ako’y walong taon ng siya ay lumisan
Pumunta sa ibang bansa upang dun makipagsapalaran
Aking paglaki’y di niya nasubaybayan
Maliban sa aking magagandang larawan.
Makalipas ang dalawampu’t tatlong taon siya ay nagbalik
Ngunit apat na araw pa lamang ang lumilipas ng mata niya ay tumirik
Sa ICU ng ospital dun siya unang umimik
Doon din nya nakilala si Jesus ng may buong pananabik.
Makaraan ang dalawang taon at limang heart attack
Katawan mo’y isinuko di na kumilos di man lang pumadyak
Marahil ay pagod ka na’t nakitang mabuti na ang mga anak
Kaya di ka na lumaban iniwan ang yung kabiyak.
Nang ikaw ay nawala lubos akong namighati
Sa aking mga braso ng ikaw ay Kanyang binawi
Aking konsolasyon paghihirap mo ay pinawi
At tiyak ko ikaw ngayon kasama ni Hesus nakangiti.
Miss na miss na kita minamahal kong ama
Di ko na makikita mga ngiti mong kay ganda
Mga biro mong pakwela pero kwidaw me warning sya
Di na mararamdaman akap ng pagmamahal, pagkalinga at suporta.