Tropang Pasaway OST
TROPANG PASAWAY OST
(Ivan, Vern & Helen)
Chorus:
Kailan bang sunod na gala
Tropang Pasaway di ko na mahihintay
Kay saya ng aming samahan
Asaran at tuksuhan walang humpay na tawanan.
Verse I
Pagbangon sa umaga, walang ibang kasama
Text agad sa tropa para tayo’y maglakwatsa
Kay sarap kasama ng aking mga kaibigan
Lalo na’t may lambingan at mayron ding kulitan.
Refrain:
Pero kahit di pare-pareho, nagkasundo
Kaya isang tanong nabuo sa isip ko.
(repeat Chorus)
Verse II
Iba-ibang ugali, iba’t ibang katayuan
Iba-iba ang hilig at pinanggalingan
Magkakalayo man ang aming tinitirhan
Pinaglapit naman ng puso’t kalooban.
(Repeat Refrain and Chorus)
Bridge:
Kay rami ng pinagpaguran
Kay rami na ring trip ang naranasan
Paminsan minsan ay may tampuhan
Palamunin mo lang ay ayos na yan.
(Repeat Refrain, Chorus)
San mang bayan ang mapuntahan,
Las Pinas man o Bulacan
Walang iwanan pangako yan.

