Archive for March, 2007

Kuaide

Tuesday, March 27th, 2007

Whew! I can’t remember when was the last time a rode a bicycle… Since i started working and got my own company car, i was not able to ride one, either at home or at the park.  And when i resigned from work, i was not able to do it either! hehehe

But as the saying goes " When you are in Rome do as the Romans do", and since i’m in China what’s the best way to do as the chinese do? Ride a bicycle!

When i first arrived here i was really amazed about the number of people using the bicycle as their means of transportation. Girls wearing high heels with matching mini-skirt are my favorites (I wonder how can they do it and still look gorgeous?), another are the men in business suit (as in with matching jacket! hehehe).  Kids going to school, older people doing it for exercise…

Now i’m also doing it! First for health purposes, second to skip boredom and meet new friends who also love to use the bicycle (great way to meet new contacts too!).   And last but not the least, for FUN!

I never had so much fun riding a bicycle until now.  The breeze of the air on my face (it’s spring time! so weather is much better.) The feeling of freedom (you can go anywhere you want to go), and the feeling of adrenalin rushing to my veins hehehe… this is the most risky part that i have done since arriving in this place.

Next goal? To join a local cross-country bicycle group… hehehe…

Oh by the way, my bike’s name is…. kuaide! (pronounced as kwayda… meaning… fast)

Just Because….

Thursday, March 22nd, 2007

Clip_image002_1 Ni hao! Zuijin zen me yang? Wo shang shuo ni rang wo kai xin.  Wo xiang ni hen dou hen dou.  Wo yang yuan bu hui shang hai ni de gan qin.  Ni xiang wo ma? Wo yao yong yuan he ni zai yi qi.  Wei shen me? Wo ai shang ni le! Ni ne? Wo men neng yong yuan zai yi qi ma?

Ni de,

Clip_image001

Paano Maibabalik ang Nakaraan

Wednesday, March 21st, 2007

aDi ko na lam kung paano sisimulan ang ating kwentuhan

Sa pagdidikit ba ng mga nabasag na nakaraan

O sa pagtatagni-tagni ng napunit na samahan

O baka naman mabuting kalimutan na lamang?

Kung aking babalikan ang ating nakaraan

Kay saya saya nito tila walang katapusan

Laging magkasama saan mang lakaran

Di mapaghiwalay ng kahit ninuman.

Dumating ang panahon tayo’y nagtampuhan

Hindi nag-usap ng kung ilang buwan

Sama ng loob kinimkim hindi pinag usapan

Humantong sa isang matinding kumprontahan.

Ngayon tayo’y ok na naman

Pero bakit ganun hindi ko malaman

Parang may kulang na sa ating pagkakaibigan

Bakit parang kay hirap ibalik ng nakaraan?

Paano maibabalik ang dating samahan?

Kailangan bang ito’y muling pag usapan?

Parang kay layo mo na at di na maabutan?

Paano ko maibabalik ang ating nakaraan?

Love Story ng Puso Ko

Monday, March 19th, 2007

Oh Diyos nais kong umawit at sumayaw para sa Iyo

Di ko kayang itago pag-ibig kong ito

Puso ko’y iaalay para lamang sa Iyo

Kaya’y huwag mong hahayaang mawalay sa Iyo.

Puso kong lito, ito’y inayos Mo

Buhoy kong gusot, ito’y tinuwid Mo

Lakas ng loob at pagtitiwala’y muling binalik Mo

Kaya’t anong dahilan ko upang lumayo sa Iyo.

Aking ninanais Ika’y mapangiti

Isang smile Mo lamang puso ko’y kinikilig

Parang si Florante at Laura sa tindi ng pag-ibig

Kaya’t ang lovestory ko sa ‘Yo lamang isa submit.

Buong Puso

Monday, March 19th, 2007

Panginoon nais kong humimlay sa Iyung mga bisig

Aking maramdaman ang init ng Iyung pag-ibig

Ako’y iyung ihele sa lambing ng Iyung tinig

Upang aking maranasan buhay na kaibig-ibig.

Pagod na puso ko’y Iyung kalingain

Pag-ibig ko sa Iyo’y laging pag apuyin

Mga agam-agam sa isip ko’y palayain

Upang Ikaw oh Diyos ay laging pupurihin.

Patuloy Mo akong bigyan ng kalakasan

Nais ng puso ko’y maging tapat ng tuluyan

Ikaw ay makapiling at mapaglingkuran

Noon, ngayon, bukas at magpakailanman.

 

Para Sa Iyo!

Sunday, March 18th, 2007

221 "Parang kaylan lang, ang mga pangarap ko’y kay hirap abutin, dahil sa inyo napunta ako sa aking nais marating… Tatanda at lilipas din ako ngunit mayrong awiting iiwanan sa inyong ala-ala, dahil minsan tayo’y nagkasama…" (Florante)

Grabe, ang bilis lumipas ng mga panahon.  Thiry-four years had passed and now i’m enjoying the beginning of my thirty-fifth… yeap! yeap! yeap! thrity-five na po ako and im proud of it, hehehe.

I wouldn’t have done it without you my dear friends, i wouldn’t be able to survive this cruel, crazy, unfair, adventurous and lovely world without you at my side, walking with me… behind, encouraging me… in front , fighting with me…

Thank you for lending me your shoulders to cry on… your ears to listen to my emotional out bursts (mapaadventure man or mapadrama), your hands and arms to comfort me… your smile to encourage me… and your life to live with me.

I was able to achieve my dreams, my goals and my destiny because of your help and encouragement, giving rebuke and corrections if necessary… and for letting me see not the world that i live in but for the things that i can contribute to this world…

I am looking forward for more adventures coming our ways, more obstacles and problems to endure, more places to visit to, and more love and dreams to share.

Kaibigan, para sa iyo ang blogspot na ito! Mabuhay ka at pagpalain ka ng Panginoon!

Sa Diyos lamang ang papuri!

To BF Bong

Monday, March 12th, 2007

hi dearie… that’s what you always calls me when ever we talk on the phone, or even when you are writing your emails… you call me kamote naman kapag me mga bagay akong ginawa or sinabi na di mo nagustuhan, or kapag inaasar kita… 

tomorrow is the second year that i will celebrate my birthday without you… it’s hard BF Bong, not only for me but to all the people who loved you… now i understand nanay and the suffering that she feels… until now, di ko sya makausap ng hindi umiiyak kaya nga i stopped calling her… parang tumigil na din ang mundo nya…

but for me… for us… life must go on… minsan naiinggit ako sa yo kasi at least ikaw kasama ka na ni Tatay, ako… kami patuloy na lumalaban sa hamon ng mundo…

pero ok lang.. ganun talag eh… sabi nga una-una lang yan.. di pa tapos ang gawaing nakatalaga sa kin dito kaya kelangan kong harapin ito…

Miss na kita BF Bong… miss  ko na yung walang sawang hagalpakan natin… no holds barred na confession at pagsasabi ng mga saloobin.. miss ko narin na tinutukso mo ko sa man of my dreams ko kahit lam ko na ayaw mo sa kanya hahaha… miss ko na yung natutulog tayo sa pang isahan na kama mo, kumakain sa isang plato, nag aagawan sa kapirasong talong na sahog ng paksiw na isda, yung susunduin kita ng sasakyan ko kahit na ilang beses na tayong nagbyahe na nawalan ako ng preno…

Di bale, alam ko sa tamang panahon magkikita pa rin tayo… hintayin mo ko ha…