To BF Bong

hi dearie… that’s what you always calls me when ever we talk on the phone, or even when you are writing your emails… you call me kamote naman kapag me mga bagay akong ginawa or sinabi na di mo nagustuhan, or kapag inaasar kita… 

tomorrow is the second year that i will celebrate my birthday without you… it’s hard BF Bong, not only for me but to all the people who loved you… now i understand nanay and the suffering that she feels… until now, di ko sya makausap ng hindi umiiyak kaya nga i stopped calling her… parang tumigil na din ang mundo nya…

but for me… for us… life must go on… minsan naiinggit ako sa yo kasi at least ikaw kasama ka na ni Tatay, ako… kami patuloy na lumalaban sa hamon ng mundo…

pero ok lang.. ganun talag eh… sabi nga una-una lang yan.. di pa tapos ang gawaing nakatalaga sa kin dito kaya kelangan kong harapin ito…

Miss na kita BF Bong… miss  ko na yung walang sawang hagalpakan natin… no holds barred na confession at pagsasabi ng mga saloobin.. miss ko narin na tinutukso mo ko sa man of my dreams ko kahit lam ko na ayaw mo sa kanya hahaha… miss ko na yung natutulog tayo sa pang isahan na kama mo, kumakain sa isang plato, nag aagawan sa kapirasong talong na sahog ng paksiw na isda, yung susunduin kita ng sasakyan ko kahit na ilang beses na tayong nagbyahe na nawalan ako ng preno…

Di bale, alam ko sa tamang panahon magkikita pa rin tayo… hintayin mo ko ha…

Leave a Reply